Jehoash Reigns in Israel

2 Kings 13

10 Nang ikatatlongpu't pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing anim na taon. 11 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; kundi kaniyang nilakaran. 12 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel? 13 At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel.

Next Book Next Book