Amon's Reign and Death

2 Chronicles 33

21 Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem. 22 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon. 23 At siya'y hindi nagpakumbaba sa harap ng Panginoon, na gaya na pagpapakumbaba ni Manases na kaniyang ama: kundi ang Amon ding ito ay siyang sumalangsang ng higit at higit. 24 At ang kaniyang mga lingkod ay naghimagsik laban sa kaniya, at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay. 25 Nguni't pinatay ng bayan ng lupain ang lahat na nagsipanghimagsik laban sa haring Amon; at ginawang hari ng bayan ng lupain si Josias na kaniyang anak na kahalili niya.

Next Book Next Book