29 Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat? 30 At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon. 31 At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at siya'y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.