22 Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid. 23 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi. 24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios: 25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios: 26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan; 27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.
28 Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan: 29 At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.