Mary's Song of Praise: The Magnificat

Luke 1

46 At sinabi ni Maria, Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon, 47 At nagalak ang aking espiritu sa Dios na aking Tagapagligtas. 48 Sapagka't nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin. Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi. 49 Sapagka't ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay; At banal ang kaniyang pangalan. 50 At ang kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi. Sa nangatatakot sa kaniya. 51 Siya'y nagpakita ng lakas ng kaniyang bisig; Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso. 52 Ibinaba niya ang mga prinsipe sa mga luklukan nila, At itinaas ang mga may mababang kalagayan. 53 Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay; At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman. 54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin, Upang maalaala niya ang awa 55 (Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.

56 At si Maria ay natirang kasama niya na may tatlong buwan, at umuwi sa kaniyang bahay.

Next Book Next Book