Jesus Is Buried

Matthew 27

57 At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus; 58 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni Pilato na ibigay yaon. 59 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino, 60 At inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis. 61 At nangaroon si Maria Magdalena, at ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.

Next Book Next Book