Jesus Is Mocked

Matthew 27

27 Nang magkagayo'y dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong. 28 At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan siya ng isang balabal na kulay-ube. 29 At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! 30 At siya'y kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo. 31 At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

Next Book Next Book