God's Chosen Servant

Matthew 12

15 At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat, 16 At ipinagbilin niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag: 17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,

18 Narito, ang lingkod ko na aking hinirang; At minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa: Isasakaniya ko ang aking Espiritu, At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil. 19 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw; Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan. 20 Hindi niya babaliin ang tambong gapok, At hindi papatayin ang timsim na umuusok, Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom. 21 At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil.

Next Book Next Book