A Vision of Horns and Craftsmen

Zechariah 1

18 At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita, at, narito, ang apat na sungay. 19 At aking sinabi sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito? At siya'y sumagot sa akin, Ito ang mga sungay sa nagpangalat sa Juda, sa Israel, at sa Jerusalem. 20 At ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday. 21 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ano ang ipinaritong gawin ng mga ito? At siya'y nagsalita na nagsabi, Ito ang mga sungay na nagpangalat sa Juda, na anopa't walang lalake na nagtaas ng kaniyang ulo; nguni't ang mga ito'y naparito upang takutin sila, upang ihulog ang mga sungay ng mga bansa, na nagtaas ng kanilang mga sungay laban sa lupain ng Juda upang pangalatin.

Next Book Next Book