They Shall Be My People; I Will Be Their God

Jeremiah 32

36 At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot: 37 Narito, aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay. 38 At sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios: 39 At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila: 40 At ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin. 41 Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa.

42 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila. 43 At mga parang ay mabibili sa lupaing ito, na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo. 44 Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.

Next Book Next Book