Words of the Wise

Proverbs 22

17 Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. 18 Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi. 19 Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo. 20 Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman; 21 Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?

22 Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan: 23 Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila. 24 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: 25 Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa. 26 Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang: 27 Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan? 28 Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang. 29 Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.

Next Book Next Book