The Way of Folly

Proverbs 9

13 Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y musmos at walang nalalaman. 14 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay, sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan, 15 Upang tawagin ang nangagdadaan, na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad: 16 Sinomang musmos ay pumasok dito: at tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: 17 Ang mga nakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap. 18 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.

Next Book Next Book