1 At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang sangbahayan ni Juda at ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling mga lalake, na mga mangdidigma, na magsisilaban sa Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam. 2 Nguni't ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias na lalake ng Dios, na sinasabi, 3 Salitain mo kay Roboam na anak ni Salomon, na hari sa Juda, at sa buong Israel sa Juda at Benjamin, na iyong sabihin, 4 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y huwag magsisiahon, o magsisilaban man sa inyong mga kapatid: bumalik ang bawa't lalake sa kaniyang bahay; sapagka't ang bagay na ito ay sa akin. Sa gayo'y kanilang dininig ang mga salita ng Panginoon, at umurong ng kanilang lakad laban kay Jeroboam.
5 At si Roboam ay tumahan sa Jerusalem, at nagtayo ng mga bayan na pinaka sanggalang sa Juda. 6 Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa, 7 At ang Beth-sur, at ang Socho, at ang Adullam, 8 At ang Gath, at ang Maresa, at ang Ziph, 9 At ang Adoraim, at ang Lachis, at ang Asecha, 10 At ang Sora, at ang Ajalon, at ang Hebron, na nangasa Juda at sa Benjamin, na mga bayang nangakukutaan. 11 At kaniyang pinagtibay ang mga katibayan, at mga nilagyan ng mga pinunong kawal, at saganang pagkain, at ng langis at alak. 12 At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.