The Ark Brought from Kiriath-Jearim

1 Chronicles 13

1 At sumangguni si David sa mga pinunong kawal ng mga lilibuhin, at mga dadaanin, sa bawa't tagapamatnugot. 2 At sinabi ni David sa buong kapisanan ng Israel, Kung inaakala ninyong mabuti, at kung sa Panginoon nating Dios, ay pasuguan natin sa bawa't dako ang ating mga kapatid na nangaiwan sa buong lupain ng Israel, na makasama nila ang mga saserdote at mga Levita sa kanilang mga bayan na may mga nayon, upang sila'y mapapisan sa atin; 3 At ating dalhin uli ang kaban ng ating Dios sa atin: sapagka't hindi natin hinanap ng mga kaarawan ni Saul. 4 At ang buong kapulungan ay nagsabi na kanilang gagawing gayon: sapagka't ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng buong bayan.

Next Book Next Book