Descendants of Gad

1 Chronicles 5

11 At ang mga anak ni Gad ay nagsitahan sa tapat nila, sa lupain ng Basan hanggang sa Salca: 12 Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan: 13 At ang kanilang mga kapatid sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba, at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito. 14 Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz; 15 Si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. 16 At sila'y nagsitahan sa Galaad sa Basan, at sa kaniyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Saron, na kasinglayo ng kanilang mga hangganan. 17 Ang lahat ng mga ito'y nangasulat sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga kaarawan ni Jotham na hari sa Juda, at sa mga kaarawan ni Jeroboam na hari sa Israel.

18 Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma. 19 At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab. 20 At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya. 21 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo. 22 Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag.

Next Book Next Book