Pekahiah Reigns in Israel

2 Kings 15

23 Nang ikalimangpung taon ni Azarias na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari sa Israel si Pekaia na anak ni Manahem sa Samaria, at nagharing dalawang taon. 24 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon: hindi niya hiniwalayan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel. 25 At si Peka na anak ni Remalias, na kaniyang punong kawal, ay nagbanta laban sa kaniya, at sinaktan siya sa Samaria, sa castilyo ng bahay ng hari, na kasama si Argob at si Ariph; at kasama niya'y limangpung lalake na mga Galaadita: at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya. 26 Ang iba nga sa mga gawa ni Pekaia, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

Next Book Next Book