The Last Words of David

2 Samuel 23

1 Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:

2 Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila. 3 Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios, 4 Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat, Sa isang umagang walang mga alapaap; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa, Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.

5 Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo. 6 Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik, Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay: 7 Kundi ang lalake na humipo sa kanila, Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat; At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.

Next Book Next Book