Ibzan, Elon, and Abdon

Judges 12

8 At pagkamatay niya, si Ibzan na taga Bethlehem ang naghukom sa Israel. 9 At siya'y nagkaanak ng tatlong pung lalake, at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan, at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake. At naghukom siya sa Israel na pitong taon. 10 At si Ibzan ay namatay, at inilibing sa Bethlehem.

11 At pagkamatay niya, si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon. 12 At si Elon na Zabulonita ay namatay, at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon.

13 At pagkamatay niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel. 14 At siya'y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na sumasakay sa pitong pung asno: at siya'y naghukom sa Israel na walong taon. 15 At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim, sa lupaing maburol ng mga Amalecita.

Next Book Next Book