The Inheritance for Simeon

Joshua 19

1 At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda. 2 At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada; 3 At Hasar-sual, at Bala, at Esem; 4 At Heltolad, at Betul, at Horma; 5 At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasarsusa, 6 At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon: 7 Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon: 8 At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan. 9 Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.

Next Book Next Book