Miscellaneous Laws

Deuteronomy 24

5 Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya'y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha.

6 Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka't parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao.

7 Kung ang sinoman ay masumpungang nagnanakaw ng sinoman sa kaniyang mga kapatid, sa mga anak ni Israel, at kaniyang inalipin siya, o ipinagbili siya; ang magnanakaw ngang yaon ay papatayin: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

8 Magingat ka sa salot na ketong, na iyong isagawang masikap at gawin ang ayon sa lahat na ituturo sa iyo ng mga saserdote na mga Levita: kung paanong iniutos ko sa kanila ay gayon mo isasagawa. 9 Alalahanin mo ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Miriam sa daan nang kayo'y lumalabas sa Egipto.

10 Pagka ikaw ay magpapahiram sa iyong kapuwa ng anomang bagay na hiram, ay huwag kang papasok sa kaniyang bahay upang kumuha ng kaniyang sangla. 11 Ikaw ay tatayo sa labas, at ang taong iyong pinahihiram ay maglalabas ng sangla sa iyo. 12 At kung siya'y taong mahirap ay huwag kang matutulog na may sangla niya: 13 Iyo ngang isasauli sa kaniya ang sangla paglubog ng araw, upang siya'y matulog sa kaniyang damit, at pagpalain ka: at magiging katuwiran mo sa harap ng Panginoon mong Dios.

14 Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan: 15 Sa kaniyang kaarawan ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.

16 Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.

17 Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao: 18 Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.

19 Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay. 20 Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao. 21 Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao. 22 At iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito.

Deuteronomy 25

1 Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin: 2 At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang, 3 Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.

4 Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik.

Next Book Next Book