Israel's Refusal to Enter the Land

Deuteronomy 1

19 At tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin, at tayo'y dumating sa Cades-barnea. 20 At aking sinabi sa inyo, Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amorrheo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios. 21 Narito, inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo: sampahin mo, ariin mo, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang; huwag kang matakot, ni manglupaypay. 22 At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin. 23 At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi. 24 At sila'y pumihit at sumampa sa bundok, at dumating hanggang sa libis ng Escol, at kanilang tiniktikan. 25 At sila'y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay, at kanilang ipinanaog sa atin, at sila'y nagdala ng kasagutan at nagsabi, Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.

26 Gayon ma'y hindi kayo umakyat, kundi nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios. 27 At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin. 28 Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo. 29 Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila. 30 Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata; 31 At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito. 32 Gayon ma'y sa bagay na ito, ay hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios, 33 Na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw.

Next Book Next Book