Offerings for the Feast of Weeks

Numbers 28

26 Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod: 27 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon; 28 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake, 29 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero; 30 Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo. 31 Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon.

Next Book Next Book