To the Church in Sardis

Revelation 3

1 At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay. 2 Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios. 3 Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo. 4 Nguni't mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat. 5 Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel. 6 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Next Book Next Book