Pray for Us

2 Thessalonians 3

1 Katapustapusan, mga kapatid, ay inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo; 2 At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya. 3 Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama. 4 At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos. 5 At patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa pagtitiis ni Cristo.

Next Book Next Book