Final Instructions

1 Corinthians 16

12 Nguni't tungkol sa kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.

13 Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas. 14 Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal), 16 Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal. 17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila. 18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.

Next Book Next Book