Saul Escapes from Damascus

Acts 9

23 At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin: 24 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin: 25 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.

Next Book Next Book