An Eye for an Eye

Leviticus 24

17 At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala; 18 At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop. 19 At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya; 20 Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya. 21 At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin. 22 Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios. 23 At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento, at siya'y pinagbatuhanan ng mga bato. At ginawa ng mga anak ni Israel, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Next Book Next Book