Jesus Walks on Water

John 6

16 At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat; 17 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus. 18 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip. 19 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan. 20 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot. 21 Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.

Next Book Next Book