The Lamps

Leviticus 24

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan. 3 Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi. 4 Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.

Next Book Next Book