The Widow's Offering

Luke 21

1 At siya'y tumunghay, at nakita ang mga taong mayayaman na nangaghuhulog ng kanilang mga alay sa kabangyaman. 2 At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na doo'y naghuhulog ng dalawang lepta. 3 At sinabi niya, Sa katotohana'y sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat. 4 Sapagka't ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.

Next Book Next Book