A Samaritan Village Rejects Jesus

Luke 9

51 At nangyari, nang nalalapit na ang mga kaarawan na siya'y tatanggapin sa itaas, ay pinapanatili niyang harap ang kaniyang mukha upang pumaroon sa Jerusalem, 52 At nagsugo ng mga sugo sa unahan ng kaniyang mukha: at nagsiyaon sila, at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano upang siya'y ipaghanda. 53 At hindi nila siya tinanggap, sapagka't ang mukha niya'y anyong patungo sa Jerusalem. 54 At nang makita ito ng mga alagad niyang si Santiago at si Juan, ay nangagsabi, Panginoon, ibig mo bagang magpababa tayo ng apoy mula sa langit, at sila'y pugnawin? 55 Datapuwa't, lumingon siya, at sila'y pinagwikaan. 56 At sila'y nagsiparoon sa ibang nayon.

Next Book Next Book