The Great Commandment

Matthew 22

34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila. 35 At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin: 36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan? 37 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. 38 Ito ang dakila at pangunang utos. 39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.

Next Book Next Book