The Beatitudes

Matthew 5

2 At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi,

3 Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

4 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.

6 Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

8 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

10 Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

11 Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. 12 Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

Next Book Next Book