1 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Bagaman si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko, gayon ma'y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito: iyong itakuwil sila sa aking paningin, at iyong palabasin sila.
2 At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.
3 At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol. 4 At aking ipagugulo sila na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, dahil kay Manases, na anak ni Ezechias, na hari sa Juda, dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem.
5 Sapagka't sinong mahahabag sa iyo, Oh Jerusalem? o sinong tataghoy sa iyo? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan? 6 Iyong itinakuwil ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay umurong: kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinatay kita; ako'y dala na ng pagsisisi. 7 At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad. 8 Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan. 9 Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay; siya'y nalagutan ng hininga; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa; napahiya at nalito: at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon.