4 Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat. 5 Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad. 6 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila. 7 Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong. 8 May anim na pung reina, at walong pung babae; at mga dalaga na walang bilang. 9 Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
10 Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?
11 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak. 12 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.
13 Bumalik ka, bumalik ka, Oh Sulamita; bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan. Bakit ninyo titingnan ang Sulamita, nang gaya sa sayaw ng Mahanaim.
1 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa. 2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila. 3 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa. 4 Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco. 5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran! 7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas. 8 Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
10 Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin.