More Sayings of the Wise

Proverbs 24

23 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas. Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti. 24 Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa: 25 Nguni't silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran, at ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila. 26 Siya'y humahalik sa mga labi niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.

27 Ihanda mo ang iyong gawa sa labas, at ihanda mo sa iyo sa parang; at pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.

28 Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan; at huwag kang magdaya ng iyong mga labi. 29 Huwag mong sabihin, gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin: aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.

30 Ako'y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad, at sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa; 31 At, narito, tinubuang lahat ng mga tinik, ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag, at ang bakod na bato ay nabagsak. 32 Ako nga'y tumingin, at aking binulay na mabuti: aking nakita, at tumanggap ako ng turo. 33 Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: 34 Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw; at ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.

Next Book Next Book