Psalm 124

Our Help Is in the Name of the Lord

1 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon, 2 Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin: 3 Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin: 4 Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos: 5 Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.

6 Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin. 7 Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.

8 Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.

Previous Book Next Book