1 Nang magkagayo'y si Eliasib na pangulong saserdote ay tumayo na kasama ng kaniyang mga kapatid na mga saserdote, at kanilang itinayo ang pintuang-bayan ng mga tupa; kanilang itinalaga, at inilagay ang mga pinto niyaon; hanggang sa moog ng Meah ay kanilang itinalaga, hanggang sa moog ng Hananeel. 2 At sumunod sa kaniya ay nagsipagtayo ang mga lalake ng Jerico. At sumunod sa kanila ay nagtayo si Zachur na anak ni Imri.
3 At ang pintuang-bayan ng mga isda ay itinayo ng mga anak ni Senaa; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon. 4 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Meremoth na anak ni Urias, na anak ni Cos. At sumunod sa kanila ay hinusay ni Mesullam, na anak ni Berechias, na anak ni Mesezabeel. At sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Baana. 5 At sumunod sa kanila ay hinusay ng mga Tecoita; nguni't hindi inilagay ng kanilang mga mahal na tao ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang Panginoon.
6 At ang dating pintuang-bayan ay hinusay ni Joiada na anak ni Pasea at ni Mesullam na anak ni Besodias; kanilang inilapat ang mga tahilan niyaon, at inilagay ang mga pinto niyaon, at ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon. 7 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Melatias na Gabaonita, at ni Jadon na Meronothita, ng mga lalaking taga Gabaon, at taga Mizpa, na ukol sa luklukan ng tagapamahala sa dako roon ng Ilog. 8 Sumunod sa kanila ay hinusay ni Uzziel na anak ni Harhaia, na platero. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na isa sa mga manggagawa ng pabango, at kanilang pinagtibay ang Jerusalem, hanggang sa maluwang na kuta. 9 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Repaias na anak ni Hur, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. 10 At sumunod sa kanila ay hinusay ni Jedaias na anak ni Harumaph, sa tapat ng kaniyang bahay. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hattus na anak ni Hasbanias. 11 Ang ibang bahagi at ang moog ng mga hurno ay hinusay ni Malchias na anak ni Harim, at ni Hasub na anak ni Pahatmoab. 12 At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Sallum na anak ni Lohes, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, niya at ng kaniyang mga anak na babae.
13 Ang pintuang-bayan ng libis ay hinusay ni Hanun, at ng mga taga Zanoa; kanilang itinayo, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon, at isang libong siko sa kuta hanggang sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi.
14 At ang pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ay hinusay ni Malchias na anak ni Rechab, na pinuno ng distrito ng Beth-haccerem; kaniyang itinayo, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon.
15 At ang pintuang-bayan ng bukal ay hinusay ni Sallum na anak ni Cholhoce, na pinuno ng distrito ng Mizpa, kaniyang itinayo, at tinakpan, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang trangka niyaon, at ang mga halang niyaon, at ang pader ng tangke ng Selah sa tabi ng halamanan ng hari, hanggang sa mga baytang na paibaba mula sa bayan ni David. 16 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Nehemias na anak ni Azbuc, na pinuno ng kalahating distrito ng Beth-sur, hanggang sa dako ng tapat ng mga libingan ni David, at hanggang sa tangke na ginawa, at hanggang sa bahay ng mga makapangyarihang lalake. 17 Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Levita, ni Rehum na anak ni Bani. Sumunod sa kaniya, ay hinusay ni Asabias, na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila, na pinaka distrito niya. 18 Sumunod sa kaniya ay hinusay ng kanilang mga kapatid, ni Bavvai na anak ni Henadad, na pinuno ng kalahating distrito ng Ceila. 19 At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Ezer na anak ni Jesua, na pinuno ng Mizpa, na ibang bahagi, sa tapat ng sampahan sa lagayan ng mga sandata sa pagliko ng kuta. 20 Sumunod sa kaniya ay hinusay na masikap ni Baruch na anak ni Zachai ang ibang bahagi, mula sa may pagliko ng kuta hanggang sa pintuan ng bahay ni Eliasib na pangulong saserdote. 21 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Meremoth, na anak ni Urias na anak ni Cos ang ibang bahagi mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa hangganan ng bahay ni Eliasib. 22 At sumunod sa kaniya, ay hinusay ng mga saserdote, na mga lalake sa Kapatagan. 23 Sumunod sa kanila, ay hinusay ni Benjamin at ni Hasub sa tapat ng kanilang bahay. Sumunod sa kanila ay hinusay ni Azarias na anak ni Maasias na anak ni Ananias, sa siping ng kaniyang sariling bahay. 24 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Binnui na anak ni Henadad ang ibang bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa pagliko ng kuta, at hanggang sa sulok. 25 Si Paal na anak ni Uzai ay naghusay ng tapat ng may pagliko ng kuta, at ng moog na lumalabas mula sa lalong mataas na bahay ng hari, na nasa tabi ng looban ng bantay. Sumunod sa kaniya'y si Pedaia na anak ni Pharos ang naghusay. 26 (Ang mga Nethineo nga ay nagsitahan sa Ophel, hanggang sa dako na nasa tapat ng pintuang-bayan ng tubig sa dakong silanganan, at ng moog na nakalabas.) 27 Sumunod sa kaniya ay hinusay ng mga Tecoita ang ibang bahagi, sa tapat ng malaking moog na nakalabas, at hanggang sa pader ng Ophel.
28 Sa itaas ng pintuang-bayan ng mga kabayo, mga saserdote ang naghusay na bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang sariling bahay. 29 Sumunod sa kanila ay hinusay ni Sadoc na anak ni Immer sa tapat ng kaniyang sariling bahay. At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Semaias na anak ni Sechanias na tagatanod ng pintuang silanganan. 30 Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Hananias na anak ni Selemias, at ni Anun na ikaanim na anak ni Salaph ang ibang bahagi. Sumunod sa kaniya ay hinusay ni Mesullam na anak ni Berechias sa tapat ng kaniyang silid. 31 Sumunod sa kaniya, ay hinusay ni Malchias na isa sa mga platero sa bahay ng mga Nethineo, at sa mga mangangalakal, sa tapat ng pintuang-bayan ng Hammiphcad, at sa sampahan sa sulok. 32 At sa pagitan ng sampahan sa sulok at ng pintuang-bayan ng mga tupa, ang naghusay ay ang mga platero at ang mga mangangalakal.